9.30.2006

Madaling Araw

Alas singko na ng hapon, uwian na. Alas tres pa natapos ang shift ko ngunit ayaw pa akong dalhin ng mga paa ko pauwi. Naghanap ako ng kausap pero wala akong mahagilap. Binaling ko ang aking atensyon sa paperwork na balak kong umpisahan kinabukasan. Natapos ko siya ng mga alas siyete na ng gabi. Di ko pa rin gustong umuwi kaya nag text ako sa iilang kaibigan pero lahat yata sila me kagimik na. Naisip ko uuwi na lang kaya ako at dadalawin ang inaanak na nakatira malapit lang sa amin. Eh, nagbago ang isip ko kaya dumeretso na ako ng bahay. Nanood ako ng telebisyon. Oo nga pala magwawakas na ang Mahika. Pinanood ko siya baka sakali. Pero nabagot ako lalo, pangit kasi ang ending. Hayun nagpalipat lipat ako ng estasyon pilit na inaaliw ang aking sarili.

Malungkot na malungkot ako. Gusto kong umiyak ngunit walang luhang tumutulo. Para akong nasa kawalan. Hindi ko mawari kung bakit. Ito ba ay hormonal change lamang? Mabigat ang aking kalooban. Depresyon? Pero wala naman akong problema. Bumangon ako sa pagkakahiga at binuksan ang aking kompyuter. Gagawin ko na lang ang mga certificates para sa Robotics seminar sa Linggo...

Aba alas dos na ng madaling araw ah. Hindi namalayan ang takbo ng oras. Bakit di pa rin ako dinadalaw ng antok? Ano ba ito? Hindi naman ako ganito pag sinusumpong ng insomia ah. Ako'y balisa ang dahila'y di ko alam. May kung anong bumabagabag sa akin. Baka hormones nga ito. Hihiga uli ako, susubukang matulog baka sakali sa matagal na pagkakahiga eh antukin ako't makalog na...

No comments:

Post a Comment

Thank you for leaving your prints here =)