10.21.2006

Ewan

Wala akong maisip na pamagat eh.

Nag-uusap kami ni Kawayan noong isang araw humhihingi siya ng pabor. Eh bilang kaibigan nakahanda naman akong pagbigyan siya kaya lang ano ako easy to get? Kinulit ko muna op kors. Tinanong ko nang tinanong kung anong makukuha ko in return. Hehehe meron nang magbibigay sakin ng chocolates, ayos! Pero hindi ko pa sinabing ok na yung pabor, kwento ako ng kwento ng mga walang kakwenta kwentang bagay. Hehehe gusto ko kasing makilimutan niyang me kailangan pala siya sa akin. Me dumaang magandang babae. Natural eh lalaki siya kung ako nagandahan (oy oy di ako tibo noh) siya pa, tiningnan niya ang babae hanggang sa lumiko na sa pasilyo. Sabi ko, "Ganyan kayong mga lalaki puro magaganda ang gusto niyo! Pano na kaming mga pangit?" Aba ang patpatin pinagsabihan ako, "Ayan ka, mabait ka sa ibang tao pero sarili mo nilalait mo! Hindi maganda ang ganyang asal." Sabi ko, "Hoy maganda lang siya, samantalang ako sexy!" Ang loko hayun umalis!! Pero nakalimutan niyang me hinihingi siya sa akin. Hehehe epektib.

No comments:

Post a Comment

Thank you for leaving your prints here =)