10.14.2006

Kaninang Umaga

Ano kaya ang nakita sa akin ni Serious Guy this morning? Lumapit siya sa akin at sinabi ang isang bagay na bumabagabag sa kanya. Isang bagay na hindi ko pwedeng isulat. Maraming beses na rin kaming nag usap tungkol sa buhay, pag-ibig, mga bagay na espiritwal. Hindi ko inasahan na ako ang mapipili niyang paghingahan ng bagay na yaon. Nakapagtataka talaga. Eh, kung tutuusin puro teorya lang naman ang alam ko patungkol sa bagay na bumabagabag sa kanya. Gayun pa man, natuwa pa rin ako kasi pinagkatiwalaan niya ako.

Alam mo ang tingin sa kanya ng mga nakakakilala sa kanya ay di siya madaling panghinaan ng loob. Eh, siya nga itong laging nilalapitan ng mga kakilala para hingan ng payo.

Ganun din ang tingin sa akin ng mga kaibigan ko. Ngunit me mga kahinaan din ako. Ang mga nakakakilala sa akin ngayon di maniniwalang minsan sa aking buhay naiisip kong magpatiwakal. Kahit nga siguro nanay ko di maniniwalang naging ganun ako. Noong isang araw, nag-usap kami ni Kawayan. Mga kung anu-anong bagay, me nakakatawa pero karamihan seryoso. Nakaalis siya kasama ang mga kaibigan niya kaya di ko nagawang magpasalamat kaya nagpadala na lang ako ng pasasalamat sa text. Sabi ko sa kanya "bihira lang ang nakikinig sa akin. Akala kasi nila malakas akong tao. I just wish they wouldn't trust me as much. Me mga panahon din na pinanghihinaan ako ng loob at nangangailangan ng kaibigan. Kaya salamat ng marami sa pakikinig."


At kay Serious Guy, hmmm mabuti naman kahit sandali gumaan ang kalooban niya. =)

4 comments:

  1. hmmm we can't count the number of people who walk in and out of our lives but we can definitely count the ones that find comfort in us.

    sometimes people just want to air out what's on their mind(baka they dont know how to blog..yet. hehe)

    nevertheless, its a good thing.

    ReplyDelete
  2. hay. namimiss ko tuloy mag-blog. tama c moieee, maraming different means ng self-expression ang tao and true enough there always has to be two sides in a seesaw -- the listener and the talker. i'm more of the former, too and i try to draw strength na lang from them kahit dying na ang aking lakas. hehe.
    btw, ms. kathie i like the code names. =)

    ReplyDelete
  3. there always has to be two sides in a seesaw -- the listener and the talker

    oohh i luv how u put that together.. :-)

    cheer up kathie!

    ReplyDelete
  4. i love to listen and i also love to talk. depende na rin sa kung ano ang mood ng nakikipag-usap. =)

    ReplyDelete

Thank you for leaving your prints here =)