So kanina nandun ako sa 1st birthday ng aking inaanak. Ang kyut kyut niya talaga. Well me pinagmanahan eh. Hayun kain ng kain, tsika tsismis, chuva. Nang nakita namin ang isang barkada namin na me dalang professional video camera. Yong tipong ginagamit mo pag me kinocover ka na kasal at kung anitch anitch. Akala namin eh galing pang sideline yong barkada namin saka akala namin pinaglalaruan lang nila yong camera. Eh yun pala interview portion yung naturang birthday party na yun. Ingles pa kami ng ingles eh maiintindihan ba naman kami nung bata. Teka kahit naman vernacular yung mga pinagsasabi namin eh wala pa ring epek. Heheheh. Anyway enjoy naman kasi mukha yata akong bruha dun. Gusto ko sanang magretouch bago magiispeach kaso lang nakakahiya namang magmakeup sa harap ng madlang pipol inside the resto diba? Heheheh. Kala ko ung video lang ang pagagawa sa amin meron pa palang isa. Sign my guest book portion. So sign sign kami na para bang mamangmama na yung celebrant. Well, sabi naman ng nanay para daw yon sa "years from now.." =) I'm happy for my inaanak.
Otanjoubi omedetto J..o
swerte naman ng inaanak... boy or girl ba? baka years from now magbabasa at magkakaroon na rin yun ng blogsite hehehe.
ReplyDelete