Taon taon kumukuha ang mayor namin ng mga magtatanghal ng libre para sa pasko. Suki siya ng mga novelty singers. Ngayong taon, nag-iba ang ihip ng hangin kasi ang kinuha niya ay ang bandang Bamboo. *nakaka-amoy ka ba ng 2010? malisyosa lang ako* Ang daming nanood, di mahulugang karayom ang lugar. Karamihan sa kanila mga kabataan. Siyempre kasi bata pa ako nakipagsiksikan din ako. Hehehe. O wag na pumalag! Ayoko sa crowds pero si Bamboo ito, kaya GO!
Me dumating na van... bumukas ung pinto...
Grupo ng Babae: *tiliian* ayan na siya.....
Guy: Ay hindi si Bamboo (ang lumabas) si Bambi...
Meron pang first act kaya medyo natagalan. Ang 7:30 pm naging 8:00. Kaya inaliw ko na lang sarili ko sa pagmasdan ang mga tao. Isa sa napansin ko ang backstage pass, kung asawa, gelpren (o boypren), anak, kamag-anak, basta "significant other ka" yan lang kelangan mo pra makapasok ka sa cordoned area aka, VIP square.
Malapit sa shoe shine corner ang kinatatayuan ko. Me isang babae (shoe shine woman) na nakaupo sa kanyang stall na me payong na pambeach ang laki.
Guy: Ale pwede bang itaas konti ang payong?
Kasama niya: Oo nga. Di namin makita yong tao sa stage.
Ale: Kung gusto niyong makita ang palabas, lumipad kayo!
Nagkibit na lang ng balikat yung mama. Hehehe. Mayamaya me dumating na bata kasama yung kapatid niyang umiiyak at me konting sugat sa balikat. Anak pala nung ale kanina yung dalawa.
Ale: Naunsa imong manghod? *Anong nangyari sa kapatid mo?!?*
Kuya: Wala ma oy.
Bro: Iya gani ko giaaway. *Inaaway niya ako!*
Ale: Kung unsa gani mahitabo sa imong manghod, patyon gyud tika! Timan-i na!! *Kung me nangyari sa kapatid mo, ikaw ang papatayin ko! Tandaan mo yan!!*
Ewan ko lang pero hindi yata tama yung narinig ko. Parang dapat yata ipa 163 yung babaeng yon. Sa wakas nag-umpisa na ang palabas ni Bamboo. Grabe ang energy ng taong to. Para atang hindi siya nauubusan ng lakas. Mula umpisa hanggang natapos ang buong palabas hindi siya nawala sa kanyang momentum kahit walang break. Wow. Kung ano siya magtanghal sa tv ganun din siya sa personal. Hmmm at kinanta niya ang Elise sa kanyang sariling bersyon. Beat that.
Ciao!
No comments:
Post a Comment
Thank you for leaving your prints here =)