9.23.2006

Gym

Naalala ko yung unang pag apak ko sa gym mga tatlong buwan na ang nakakaraan. Eh ngayon ko lang kasi naisip mag gym. Nung nagmamartial arts ako, sa dojo kami nagpapraktis kaya ignorante ako sa tunay na nagaganap sa loob ng lugar na nabaggit. Araw yun na wala akong magawa sa buhay, batong-bato na ako noon nang me dumating na text. Sa isang iglap nakabihis na ako. Wala pa talaga akong balak mag gym nun. Gusto ko lang makita ang loob ng isang gym at para na rin obserbahan ang mga tao. Merong weird, merong seryoso, merong gustong pumayat pero nag tatamad tamaran o kayay nagrereklamo na hindi kayang gawin ang pinagagawa ng fitness instructor. Hmmm ewan pero na bato ako lalo sa kanila dala marahil iyon sa kakaupo. Nung umalis na kami, nagyaya ang kaibigan ko na kumain muna bago umuwi. Hehehe at ang kinain namin, PANCAKE. Mwahahaha ewan ko ba kung gusto niya pumayat o hindi. Hindi na naulit yon naging abala na kami pareho sa trabaho.

Nagigym na ako ngayon, belly dance. Ayos kasi matagal ko nang gustong matutong mag belly dance. Hindi ko naman talaga talent ang pagsasayaw kaya nawindang ako nung bago pa ako kasi hindi belly dance ang napasukan ko kundi step aerobics! Nandun na ako kaya wala akong nagawa kundi ang gayahin ang mga pinagagawa ng mga kasamahan ko. Kaso ang bilis nila! Lagi akong nawawala sa tiyempo at kamuntik pa akong mahulog mula sa stepper. Medyo mas kampante ako sa belly dance kasi me exercise video na ako nun at pinagaralan ko muna yong mga simpleng stepping bago ako pumasok sa gym. Heheheh ang daya ko.

2 comments:

  1. maglagay ka nga ng piktyur mo na nakapang belly dance.. mahina kasi imahinasyon ko eh, tulong mo na lang sa mga masusugid mong tagapagbasa na gaya ko.

    onga pala, natutuwa ako sa bersitaliti ng pagsusulat mo, etong ginagawa mo ngayon eh nakakrelate na ako di na dumudugo ilong ko sa pagbabasa at pagiintindi di ko narin kailangan ng diksyunaryo, may personal touch na rin. galing

    ReplyDelete
  2. kung maglalagay ka ng piktyur mo na naka BJJ heheheh sa blog mo.

    salamat sa compliment... (",)

    ReplyDelete

Thank you for leaving your prints here =)