9.23.2006

Kain sa Labas

Me nanliligaw sa kasamahan kong babae. Kahapon pinadalhan siya ng ewan ko parang lampas isang dosena ata na puting rosas. So kantiyawan lahat pano ba naman isa siya sa eligible dito sa opisina. Yung isa kong kasama ininterview yung nagdala umano ng bulaklak, pina describe yung nagpabigay - guapo, naka yellow shirt, may kotse. So naghinala na kami na iyong kaklase niya sa masters ang nagpabigay. Tama nga kami kasi makalipas ang mahigit tatlong oras (nakauwi na ako nun) me pumunta sa opisina para sunduin siya. Hindi yong lalake. Isang kaklase nya rin. Hmmm pinagkaisahan siya ng mga kaklase nya, hehehehe.

So heto, nagtext si lalake. Nagiimbita uli ng kain sa labas. Hindi kasi siya gusto ng kasama ko kaya ang gagawin ni babae isasama niya ako at tatlo pang ka opisina. Mantakin mo okey lang daw kay lalake na marami kami!! Hah! Buti na lang at nagdedyeta ako, nabawasan siya ng isang palamunin kundi lagot siya, heheheh. Tsaka ang yaman yaman niya kung gayon. Ang mokong nag tanong pa kung sinusino isasama. Natatawa ako kasi sinabi lang yun ni babae para hindi na mangulit si lalake. Eh kaso nga pumayag yung lalake kaya wala siyang takas ngayon! Sabi pa ni babae "sayang wala akong plan B".

1 comment:

  1. may plan b ako!!!! magkunwari kayong mag-on ni babae!!! magsubuan kayo sa harap nung lalake tas hold hands!!! saya nun!!! asan kayo ngayon???? sama ako!!!!!

    ReplyDelete

Thank you for leaving your prints here =)