Ilang oras na lang at eleksyon na naman. Nabingi ako sa mga naririnig kong balibalita at alegasyon ng pamimili ng boto, mga mangyayaring dayaan, mga karahasan. Bakit ba lagi na lang ganito tuwing eleksyon? Hindi na ba talaga magiging mapayapa at malinis ang botohan? Bakit ba kailangang me masawi na mga kandidato, mga tagasuporta nila at mas higit na nakakalungkot mga ordinaryong tao? Bakit ba nagbabangayan kayo?
Dayaan at karahasan ay dalawa lang sa mga sandamakmak na dahilan kung bakit ang ibang kakilala ko ay ayaw nang bumoto. Sabi nila para saan pa ang isang boto kung madadaya rin lang. Ganun pa rin daw mananalo at mananalo pa rin ang mga hindi karapatdapat. Ganun parin daw, hindi pa rin aasenso ang Pilipinas dahil sa mga lider na meron tayo. Napabuntonghininga ako naiintindihan ko kasi ang gusto nilang ipahiwatig dahil sariwa pa kasi sa mga alaala namin ang 'Hello Garci scandal'. Wika nga nila, "Habang may buhay may pag-asa." Kaya boboto pa rin ako, hindi pa ako nawawalan ng pag-asa para sa bansang ito.
Nung tinanong ang isang nagpapahalal bilang senador sa programang Isang Tanong kung ano ang dapat gawin para maging mapayapa at malinis ang halalan, ang sagot niya ay pagdarasal. Magdasal tayong lahat. Yung lang ba ang dapat nating gawin? Ako ay naniniwala sa kasabihang "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa". Tayo ay may tungkulin din. At yon ay ang pagiging vigilant. Bukas ako ay isang election volunteer.
Sa mga boboto, bumoto ho tayo ng naaayon sa ating konsensiya. Magdasal at maging 'vigilant'. Sana maging payapa at kapanipaniwala ang kalalabasan bukas at ang mga karapatdapat ang mananalo.
God bless the Filipinos, the Elections, the Philippines.
12-0 sa maguindanao wohooo pilipin dimokrasi olrayt!!!
ReplyDeletesinabi mo pa... ewan ko na lang. ngayon me nagAWOL pa na mga BEI. hay naku...
ReplyDelete