Eto ang selpon ko. Mga 4 taon ko nang gamit gamit yan. Bago ko nakuha yan sa kapatid ko nagamit nya yan ng mga 2 taon. Vintage na, kasi orihinal pa keypad at casing niyan. Maraming beses na akong sinabihan na mag-upgrade na pero lagi kong naiisip na huwag na lang kasi tahimik siya lagi. Walang regular na nagtitext o tumatawag at wala rin akong tinitext lagi sa araw-araw. So ano na lang ang gamit ng selpon ko? Phonebook, reminders, alarm at timepiece (hindi na nga ako nagrerelo). Kaya sa aking pananaw pwede akong mabuhay ng walang selpon pero ang mga me kailangan sa akin, hindi kasi wala naman akong telepono sa bahay.Hindi maikakaila na ang laki talaga ng halaga nito sa araw-araw na buhay. Ginagamit mo yan para makatsika yung mga kapamilya, kaibigan, kakilala, kliyente, karelasyon, kapuso, kakosa, kadikit, kabaligtaran, kasalungat, kabayo, kambing, karitela. Maraming mga pagkakaibigan at pagkaka-ibigan na nabuo nang dahil sa selpon. Me naghiwalay din. Mabuti na lang itong dalawa kong kaibigan eh nasa away stage pa lang.
Para makalimutan ko ang aking kalungkutan, dalawang araw na ang nakakaraan, kinumusta ko ang dalawa sa aking kaibigan (K1 at K2) sa magkaibang pagkakataon. Nagulat ako ng sabihin nila ang mga nakakabagabag sa kanila, ang mga textlife ng kanilang mga boypren. Ang siste eh me nabasa silang mga kakaiba at kadudadudang mensahe sa selpon ng kanilang mga boypren. Alam ko na itong mga babaeng ito ay hindi yung tipo na natitsek ng kung sinusinong katext ng mga boypren nila, so paanong?? Si K1 kasi nakigamit ng cp ng bf nya kasi nauubusan siya ng load. Ng buburahin na niya sana ang nasa sent items nagulat siya sa dami ng pangalan ng ex gf nung lalaki na nakaregister sa cp. Nang tiningnan ang date, oopps bago lang. Hindi na niya binasa yung ibang pang mga mensahe kasi nadama niya na para siyang sinasaksak. Sinabihan namin na tanungin yung guy kung meron ba siyang dapat malaman pero sabi din nya wala siyang lakas ng loob na gawin yun. Ang boypren ni K2 naman nagtatrabaho sa ibang lugar. Umuuwi lang si lalake kapag araw ng sahod. matagaltagal na rin siyang nagdududa kay lalaki kasi sa tuwing makikitext siya, laging sinasabi sa kanya, wla akong load o naubos ang load ko ngayon lang tas ang pinapahiram sa kanya, selpon ng kasambahay. Syempre sa dalang ba naman ng pagkikita nila sino ba ang hindi magdududa?
Kasalukuyan, kinakaibigan ni K1 ang ex ng guy nya sa friendster. Fishing for information ika nga. Kasi diba sabi nila ang isda ay nahuhuli sa bunganga. Si K2 naman inaway sa text (kasi nasa malayo) si lalaki hanggang sa umamin ito na me nagawang kasalanan, napilitan pa nga itong umuwi para magpaliwanag ng maayos sa personal. Hayun, nabugbug si lalaki ni K2. Haay naku, magulo! Sana lang ha ay maayos yang mga bagay-bagay na yan. Ako'y nakikinig sa mga kwento nila pero sa loob-loob ko, "buti na lang, single ako."
hey I had that same mobile phone til about almost a year ago, and it has served me well.
ReplyDeleteI didn't even had a mobile phone when I was in college