What happened at Batasan is an irony. Kung inaakala mong safe diyan dahil nandiyan ang mga Kongresista nagkakamali ka. Ganun lang pala kadaling gawin yon? Akala ko ba grabe ang security diyan kasi nga Congress. Pano ba nakapasok ang isang tao na me dalang bomba? Feeling ko tuloy kapag merong iniimbestigahang anomalya me sumasabog. Ang daming namamatay na walang kalabanlaban, nasusugatan, napuputulan ng paa. Sa pinakabagong travel advisory ng Australia sinabi nila na "further attacks, similar to the terrorist bombings in Mindanao and the Makati central business district of Manila in February 2005 that resulted in a number of deaths, are possible any time, anywhere in the Philippines." Anywhere? Marahil nga, eh kung nangyari nga sa Batasan e di pwedeng kahit saan. Tsk tsk.
When we down here hear of news like this it saddens us but this time it hit close to home. One of the injured, Rep. Luz Ilagan sounded familiar to me. I immediately surfed the net for articles about her and my suspicions were correct. Na siya at at isa sa mga tinitingala kong guro noong nasa kolehiyo ako ay iisa. Parang kahapon lang nakaupo ako sa klase niya. Hindi ko makalimutan ang lagi niyang joke sa amin, "You should be men and women for others, not men and women for other men." Marahil ito ang dahilan kung bakit tumakbo siyang Konsehal pagkatapos magretiro sa unibersidad ng Ateneo.
Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari ang mga ganito. Kunsabay ang objective lang naman ng terorista ay terorismo. Nalulungkot ako para sa mga nawalan ng asawa, anak, kapatid, kaibigan, magulang. I have suffered such loss yet I feel that their grief is greater having lost their love ones in a violent manner. May their souls rest in peace. Sa mga nagpapagaling sa ospital, "May you have a speedy recovery."