Naranasan mo na bang mapagsabihang, "Buti ka pa walang problema"? Eh ang mapagsabihang, "Buti ka pa walang problema sa pera"? Pwede ba yun? Me tao ba namang walang problema? Me ordinaryong Filipino ba na walang problema sa pera? Marahil nasasabi nila ang ganun kasi bibihira mo lang akong marinig na nagkukwento ng mga bagay-bagay patungkol sa pera. Maari ring dahil sa hindi ako mahilig bumili ng mga kung ano anong gamit at bihira lang akong umorder ng mga pautang dito sa opisina. Sabihin nang kuripot ako. Kailangan kong gawin yon kasi nag-aaral ako, tumutulong sa pamilya, at me hihuhulugang maliit na real property. Pag me gusto akong bilihin nag-iisip muna ako ng maraming beses at tinatanong ang sarili ko kung kailangan ba talagang bilhin yon ngayon o baka pwedeng ipagpaliban muna; tinatanong ko muna ang sarili ko kung me silbi ba ang bagay na yon sa araw-araw na ginawa ng Diyos o sadyang ito'y isang luho lamang. Hindi ko naman sinasabing hindi ko pinagbibigyan ang aking sarili, ginagawa ko lang ang sa tingin ko ay tamang paggastos ng pinaghirapang pera.
Sa hirap ba naman ng buhay dapat lang na marunong tayong magtipid. Marami akong kakilala na halos mahigit sa 5 taon nang nagtatrabaho at single pa ni wala pang naiipon kahit konti. Yong iba dahil sa may pinapaaral pero yong iba sadyang merong, one day millionaire syndrome, yong iba naman eh halos mabaon na sa utang. Tungkol naman sa utang, hindi ako nangungutang hindi ako nangungutang uli habang meron pa akong binabayaran. Kapag loan ang binabayaran ko inuuna ko muna yon, mahirap nang mapenalize lalong lalaki ang babayaran.
Noong nasa kolehiyo ako, nabili ko ang kompyuter ko sa sariling pagsisikap. Me nagtanong sa akin kung paano ako nagbabudget. Ang sahod ay nakahati sa maraming bahagi, me pera sa matrikula, me para sa personal na gastos, me para sa savings, at me para sa grocery. Hindi naman ako perpektong tao kaya minsan nagagastos ko rin yong naka-allocate sa ibang bagay. Naranasan ko rin sa halos tatlong taong pagtatrabaho ang ma-retrench. Ang hirap nun kasi wala akong naipong ni isang kusing. Sabi ng isang finance expert dapat meron daw tayong ipon na kasya sa anim na buwan para kung matanggal ka sakali sa trabaho, meron kang panggastos. Kaya din ako maingat sa pera kasi hindi natin alam kung kelan may emergency na kailangang pagkagastusan. Nung maranasan kong hindi sumahod ng tatlong buwan, hindi ako gaanong nahirapan kasi me naipon ako kahit konti kaya lang butas bulsa ko, ubos ipon ko. Ok lang at least napatunayan ko na me halaga ang aking kakuriputan. Heheheh. Saka magandang ugali yata ang maging matipid sa kung ano-anong bagay. Di ba?
tama... tagal ko na gusto mag ipon.. pero laging napupunta sa ibang bagay, sisimulan ko na sa june
ReplyDeletebakit sa june pa? wag na mag-antay =)
ReplyDeletestart ka lang muna sa small %age from your salary then gradually raise the %age little by little and you have to be consistent about it. good luck! =)
well, well, well. pwede ba namang hindi ako mg-agree.self-confessed kuripot din ang lola mo. sooper. hindi ko alam kung bakit sa sarili ko, ang damot kong bumili pero para sa ibang tao, andaling humugot ng pera. so ironic. =)
ReplyDeletehehehe kuripot ako sa lahat pero pag sinabi mong pagkain. ah eh, syempre me pera ako. heheheh
ReplyDelete