
Sa totoo lang di pa talaga ako nakakapanood ng Chinese Dragon and Lion dance sa Lunar New Year. Maaga akong umalis ng bahay na me bitbit na camera noong Linggo pra makapanood lang nito. Siyempre gusto ko kasing icapture ang moments. Plinano kong pumuta sa lokal na chinatown kaya lang hindi ko alam kung saan at anong oras nangyayari ang mga ganun. Kaya minabuti kong pumunta sa isang mall kasi nga halos lahat ng mga mall dito Tsino ang may-ari. Criteria: I seldom go to this mall for anything.
Merong dalawang leon at isang dragon. Standard ba ito? Ang kukyut ng mga leon kaya lang yung dragon eh mukhang ahas. Dahil siguro yung dragon ay wala masyadong detalye na gaya sa mga leon. Nagsayaw ang isang leon sa entablado tas isaisang "kinagat" ang mga inaakala kong gulay. Hindi ko alam para san yun. Nung bumaba na siya, me naghagis ng mga golden coins na me lamang tsokolate. Hehehe naki-agaw din ako siyempre. Gusto kong mag-enjoy eh para makalimutan kong nag-iisa lang pala ako. Hehehe nagsisenti. Pagkatapos ng pagsayaw nung isa sa entablado, bale yung dalawang leon ay naghatihati sa pagpasok sa mga department stores para kolektahin yung mga angpao na nakasabit. Bago "kakagatin" nung leon ang angpao nagbabow muna siya ng tatlong beses. Para san kaya yun? Medyo disappointed ako kasi hindi naman mga mukhang tsino yung mga mananayaw. Pero ok na rin yun for a first timer. Umakyat ako sa ikalawang palapag para makakuha ng litrato sa ibang angulo. Habang ginagawa ko yun, naitanong ko sa aking sarili ang, "Escalator or stairs?" Isang tanong na di nasagot kasi napagod ako sa kahihintay. Sa ibang bahagi pala ng mall, pinarada ang tatlong litsong baboy. Oo nga naman, Year of the Pig na pala.
Kailangan ko ng tulong dito kasi wala talaga akong alam...
- Para saan yung lion and dragon dance? Pampaswerte ba yun?
- Bakit yung mga leon lang ang nangongolekta ng angpao? Kasi di kakasya yung dragon?
- Ano ang role ng dragon dun?
- Pwede bang dragon lang o lion lang ang nandun?
- Bakit nagtatapon ng mga golden coins?
- Ilang coins ba ang pwedeng kolektahin? The more the merrier? Or less is more?
- Bakit ganun lagi ang drumbeats, me kahulugan ba yun? O wala nang iba?
Sana me makasagot sa akin. =)
i wish i could help.. eh kya lang ala rin akong kaalam alam hehe, maghihintay na lang din ako ng sagot nina keloyd o lib hehe.
ReplyDeleteoo nga malapit nang weekend, magshoshowup na ung cute (ubo ubo) na keloyd na un. pis!
ReplyDeletehaha asahan mo pang may alam ako! pekeng instik ako pekeeee
ReplyDeleteakala ko ba meron? wala wala wala ka palang alam!
ReplyDeleteeh si Lib kaya? hehehe