Noong una kong mahawakan ang isang still camera, nahumaling na ako sa pagkuha ng mga larawan. Kahit ano kinukunan ko, still life o hindi. Dito sa opisina kapag me activity asahan mong me dala akong kamera. Pag me okasyon, nandun ako at me dalang alam mo na. Noong Lunes nagseminar kami at sa halip na sumali sa isang contest sa team building hayun, shoot lang ako ng shoot. Sa parlor games naman na nangyari pagkatapos ng seminar kuha lang kuha habang nag eemcee. Nakita ako ng mga ka-opisina na kinukunan ang papel na me drowing ng baboy. Sabi ko, "Para sa blog ko to." Minsan naman nakita ng nanay ko ang paborito kong heels sa digital cam. Sabi niya, "Ano ka ba? Para kang ikakasal!" Hehehe, langya kahit pa bato papatusin ko basta gusto kong kunan. Kanikanina nga lang eh kinunan ko ang clear blue sky mula sa bintana ng ikalawang palapag ng opisina kasi nagandahan ako sa kombinasyon ng kulay blue, white, at green.
Ewan kahit noong hindi pa nauuso dito sa amin ang digital cam, kinahiligan ko na talaga ang kumuha ng larawan. Marahil nanggaling ito sa aking tatay na isang professional photographer noong kabataan niya. Isa sa gusto kong matutunan ay kung paano gumawa ng composition yung pwedeng pang-exhibit sa mga kaibigan, katrabaho, kaklase; anu-anong mga angulo at ilaw para makagawa ng magandang effect at kung anu-ano pa. Kaya lang hindi ko na nakuhang itanong yun kasi umalis siya't iniwanan kami. Di bale marami namang ebooks at tutorials dyan. =)
Pero alam nyo mga Blogness, hindi ako camera whore. Marami akong larawang nakaipon na wala ako. Noon ang tawag ko sa sarili ko ay camera shy. Konti nga lang ang mga baby pictures ko natitira kasi ayaw ko talaga noong makunan. Ngayon, hindi na ako shy sadya lang talagang walang gustong kumuha ng larawan ko. Hehehe sa studio na lang ako para gumanda. Hahaha, the wonders of Photoshop.
kala ng nanay ko nasisiraan na ako ng baet kse lahat na lng pinipikturan ko, ngaun makakasabi na ako sa kanya.. "Ma, hindi ako nagiisa, ang kaibigan kong c kathie ay mahilig din magpiktur-piktur ng kung ano2x"
ReplyDeletehehehehe. sana makita ko ung piktur ng baboy :D
the pig was meant to be posted after this but i wasn't able to finish the writeup on time. =)
ReplyDeletehehehe akala ako lang ang weirdest photgrapher ever... hahaha hindi na ako unique!
girls, girls, girls! kung may camera lang ako, khit ung point-and-shoot lang, 3some na tau! hihi.
ReplyDeleteay ang saya nun... ipon ipon lang sometime and you'll have one. my cam isn't my ideal cam but it's better than nothing. i would've wanted an EOS but here in the pinas it will take me forever to acquire one. grrrr...
ReplyDelete