6.12.2007

Pop Culture by Jay Taruc

Hay ewan. Hindi naman ako busy pero hindi ko rin alam kung bakit ngayon lang ako uli nagsulat. Hindi naman sa tinamad. Siguro kasi ang dami daming pumapasok sa kukute ko hindi ko tuloy alam kung alin sa kanila ang unahin. Nakakatamad kasi pag mahina yung internet connection ang tagal tagal kaya magupdate ng webpage kaya bago ko pa mapukpok ng kung ano yung kompyuter sa pagkairita eh tumitigil na ako sa pagtatype. Hehehe bayolente!

So last night napanood ko yung documentary ni Jay Taruc sa Eyewitness. Idol ko talaga ang taong ito. I always like his docus. Anyway yung topic nya is age old, population explotion in the Philippines. Ang tagal tagal nang pinaguusapan yan. Pero bakit ganun pa rin? Me nainterview sila na magasawa susme nagulat ako sa dami ng anak nila, 17. I mean sa kahirapan ng buhay paano pa ba yan mapapakain ng maayos? O mapaaral? Yung tatay nga hindi na halos memorize yung pangalan ng mga anak nya. Saka para silang mga sardinas na nagsisiksikan sa bahay nila. Whew! Tinanong ang mga babae kung nagsubok na mag family planning, merong nagsabi ng "Oo" at merong "Hindi". The ones who said "Yes" said they stopped using pills and implants because of the side effects that they felt. Then there were those who said "No" because they didn't even know what family planning was all about. So ganun na lang ba? Anak na lang ng anak? Kahit mismo nanay wala ng makain? Me mga tinanong din kung sumubok mag calendar method. Me nagsabi ng oo pero ang asawang lalaki daw pag nangailangan eh walang nagagawa si misis kundi pagbigyan. So para bang sinasabing "bahala na lang", magparaos muna saka na lang isipin na si 12th ay madadagdagan ng 13th.

Merong panukala tungkol sa artificial contraception pero nakabinbin pa sa kongreso. Isa sa mga tumututol nito ay ang simbahan. Labag daw sa utos ng Diyos. Naalala ko tuloy ang paguusap namin ng isa kong kaibigang lalaki na me asawa at nakakadalawang anak na. Tinanong ko kung nagpa tubal ligation na misis nya since me boy at girl na siya. Kwento nya nung nakaabot sa hospital nakalabas na ng delivery room ang misis. So tinanong ko uli, "Have you considered other methods? Like vasectomy". Gusto ko kasing malaman ang saloobin nya sa vasectomy. Lumabas sa paguusap namin na hindi nya alam kung ano yun at lumabas din na ang alam nyang methods eh yung puro babae lang ang concerned, pills, injectables atbp. So pinaliwanag ko ang vasectomy. Sabi nya, "Ayoko, kasalanan yan." Huh?!? Sa tingin ko mas malaking kasalanan ang magparami ng mga anak pero hindi mo naman maaalagaan ng wasto. Mas malaking kasalanan ang umabot sa puntong iisipin mo nang ipalaglag ang magiging anak mo. Mas malaking kasalanan ang ipamigay (or worse ibenta) ang anak mo "dahil sa kahirapan." Ang pagkakaroon ng anak pwedeng planuhin ng mga magulang pero ang bata hindi naman ginusto na lumabas siya sa mundo.

Sa lahat ng kaibigan kong lalaki na tinanong ko ng, "Would you consider vasectomy?" walang ni isa na nagsabing "Yes". Predictable! Eh pano ba naman ayon sa pag-aaral, sa buong mundo there are a lot more women who undergo ligation than there are men who undergo vasectomy. So kami? Puro na lang kami? Kami ang nanganganak, kami ang pinaiinom ng pills or nagpapainject. So later kami rin nagkakasakit or nakakaranas ng side effects. Naalala ko ang kaibigan kung si Chelle. Her obgyn said, it was the injectable's fault why she ovarian problems now. Tsk tsk. Sa mga babae don't you think this is unfair? Ah ewan.

No comments:

Post a Comment

Thank you for leaving your prints here =)